NBI, Dumating sa DOJ para Magsampa ng Reklamo Kaugnay ng Pekeng Medical Records ni Pangulong Marcos
Ni Iza Aldana
Dumating sa National Bureau of Investigation ang mga opisyal ng Department of Justice ngayong araw upang magsampa ng reklamo kaugnay ng umano’y pekeng medical records ni Ferdinand Marcos Jr..
Ayon sa NBI, ang reklamo ay kaugnay ng imbestigasyong isinagawa hinggil sa pagkalat at paggawa ng mga dokumentong sinasabing maling impormasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo.
Wala pang ibinibigay na karagdagang detalye ang mga awtoridad habang isinasagawa ang pormal na paghahain ng reklamo. Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang DOJ at NBI matapos ang proseso.

