Kalayaan Island, pinabibisita ni Kiko vs PANGHIHIMASOK ng China sa WPS

0

Ni Ernie Reyes

HINIKAYAT ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang lahat ng opisyal ng pamahalaan kabilang ang   civil society organizations, academic institutions, media representatives, at private sector na bumisita sa Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea sa gitna nang patuloy na panghihimasok ng China sa ating teritoryo.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na layunin nito na palakasin ang pambansang kamalayan at pagkakaisa laban sa panggigipit ng China sa karagatan ng Pilipinas sa WPS,

Bumisita ang mambabatas sa Pagasa Island nitong Miyerkoles upang tugunan ang hamon na kinahaharap ng ilang residente na kung saan sinasakop ng China ang karagatan sa paligid nito.

Sa kanyang pagbisita, nakita ni Pangilinan ang mahigpit na pangangailangan na suportahan ng pamahalaan at imoderno ang ating armadong puwersa at coast guard upang bantayan ang isla na sakop ng Pilipinas.

“But more importantly, that government officials and the private sector must join hands for a “whole-of-nation approach” to address maritime and territorial issues,” giit ng senador.


bukod sa nagpasalamat sa WPS Task Forces sa imbitasyon na bumisita sa isla, hinikayat din ng senador ang iba pang opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor na bumisita ito upang palakasin ang moral ng mamamayan at sundalong nagbabantay dito.

 “And I think aside from high government officials, even yung mga nasa private sector, ang mga nasa media, ang mga socio-civic organizations,” aniya. “Dahil ang balita natin, pag ang civil society groups at private sector ay kasama ng ating Coast Guard, kasama dito sa mga activities to strengthen our claim and our victory diyan sa international tribunal, talagang medyo dumidistansya ang ating mga katunggali.”

“Kaya napakahalaga whole-of-government and whole-of-nation approach ang ating pagdepensa sa ating Exclusive Economic Zone, sa ating territorial waters, sa ating national sovereignty,” giit ng senador.

Kritikal ang pagbisita ni Pangilinan sa isla sa pagtutukoy kung ano ang pangangailangan ng military tulad ng mas maraming barko at kagamitan upang pangalagaan ang kinakamkam ng karagatan ng China.


“Ayaw natin ang gulo. Ayaw natin ng escalation of tensions. Pero kinakailangan nating paigtingin ang ating capacity to patrol our waters,” ani Pangilinan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *