FLOOD CONTROL PROBE hindi masasayang sa pagbabago ng liderato sa Senado – Lacson

0

Ni Ernie Reyes

KAHIT na nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado noong Lunes, tiniyak ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na hindi masasayang ang mga natuklasan ng Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa flood control projects.

Sinabi ni Lacson na ang komite sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nakapag-ambag na sa fact-finding at case buildup efforts ng Department of Justice at Office of the Ombudsman laban sa ilang personalidad.

“Hindi naman masasayang. Kasi unang una naka-contribute kami maski papano sa preliminary investigation ng Department of Justice and Office of the Ombudsman. So may nauna nang mga testimonial and documentary evidence na naipadala na doon,” aniya sa panayam sa DZMM radio.

Binanggit din niya na dahil isinapubliko na niya ang nilalaman ng Chairman’s Progress Report sa kanyang privilege speech noong Mayo 5, naging bahagi na ito ng public record at maaari nang ibahagi sa DOJ at 
Ayon kay Lacson, ipinag-utos na niya ang pagpapadala ng mga ebidensiya sa Ombudsman at DOJ.

Nauna nang ipinaliwanag ni Lacson na bagama’t hindi niya isinapubliko ang mga ebidensiya bago ang kanyang privilege speech dahil maaari itong lumabag sa mga tuntunin ng Senado, nagbigay-daan naman ang kanyang talumpati upang magamit ng DOJ at Ombudsman ang mga ito sa kanilang case-building efforts.

Pinaalalahanan din niya noon ang kanyang mga kasamahan – kabilang ang mga iniuugnay sa flood control mess – tungkol sa kanilang “shared responsibility” na lagdaan ang partial committee report upang matalakay ito sa plenaryo.

Dagdag niya, maaari ring magsilbing plataporma ng mga ito ang partial report ng Blue Ribbon sa plenaryo upang maipagtanggol ang kanilang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *