Kasong isinampa ng PNP kay VP Inday Sarah, BINASURA!

MAINIT na usapin ngayon sa Social Media ang resolusyon na inilabas ng Office of the City Prosecutor sa kasong inihain ng PNP laban kay VP Inday Sarah at Col. Dante Lachica.
Matatandaang na noong Nov 17 ng nakaraang taon nag file ang PNP sa pamumuno ni PTCol Jason Villamor ng kasong paglabag sa Article 148 (Direct Assult), Article 151 (Disobidience to Authority), at Article 286 (Grave Coercion) laban kay VP Inday at Col. Lachica.
Sa pinirmahang resolusyon ng prosecution ay inerekomendang mai-dismiss ang nasabing kaso dahil sa kabiguan na mapanatili ang paghahanap ng prima facie na ebidensya na may makatuwirang katiyakan ng conviction, o sa medaling salita walang sapat na basehan.
Sa pagkaka dismiss ng naturang kaso kumakalat ngayon sa Social Media ang mga katagang “Nanga-ngamoy resbak” at “antayin ang resbak ng VP naming”. Ang tanong reresbak nga ba ang kampo ni VP Inday sa mga pulis na nagkaso sa kanila? O mas mahalaga doon nalang sa mga taong nagudyok sa mga pulis na ito upang mag hain ng kaso (kung meron nga talaga)?
Sa kabilang banda wala naman magandang idudulot ang pagiging benggatibo, lumilikha lang ito ng mas malaking gulo, maigi padin ang may mapagpatawad na puso at taos pusong pagseserbisyo. Tulad na lamang ng nakikita nating ginagawa ng OVP na walang patid na paglilingkod.
Kudos sa prosekusyon sa mabilis na pagresolba sa ganitong mga kaso, mapapa “SANA ALL” nalang tayo kung sa mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng kaso ay ganito din kabilis maghain ng resolusyon ang ating hudikatura.
KSPHO sa RoadNews

