PNP Hinigpitan Ang Seguridad Sa Mga International School Sa Metro Manila

MAHIGPIT ang utos ni Department of Interior local Government Secretary Jonvic Remulla sa Pambansang Pulisya na higpitan ang seguridad sa mga pangunahing International School sa bansa lalong Lalo na sa Metro Manila.

Tugon ito ng DILG Secretary dahil sa insidente ng kidnapping sa International British School sa BGC noong Ika-20 ng Pebrero 2025

Inatasan Ni Remulla ang hepe PNP Police General Rommel Marbil upang makipagkordinasyon sa pamunuan ng mga international school para makabuo sila ng mga preventive measure.

Tinataya ng Anti Kidnapping Group ng Pambansang Pulisya na mahigpit sa limang grupo ng kidnapping organize group ang nag-ooperate sa ating bansa.

Hinikayat ng Pambansang Pulisya na makipagtulungan ang publiko para makaiwas sa ganitong krimen.

Katunayan, sinabi ng Pulisya na magsasagawa sila ng campaign sa social Media upang mapag-ingat ang publiko.

Joseph Suguitan para sa RoadNews