HINDI KO INTENSYONG SIRAIN ANG ADMINISTRASYON NI PBBM – Sen Imee

SA ginanap na Forum kamakilan ay nanindigan si Senator Imee Marcos chairman ng Senate Committee on Foreign Relations na hindi niya umano intensiyon na sirain ang administrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ipinaliwanag nito na honest laman siya, at ang tanging pakay niya ay ang mag imbestiga para maliwanagan ang publiko ukol sa naunang pag arresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte na isinagawa ng administrasyon Marcos batay sa request di-umano ng International Police Organization (Interpol) dahil sa kasong crime against humanity na hinaharap ni FPRRD sa International Criminal Court.

Aniya kailangan maliwanag kung ano talaga ang sistema ng pagpapatupad at relasyon ng ating bansa sa International Criminal Court at sa Interpol dahil aniya importante ang soberanya ng ating bansa at hindi siya papayag na maging probinsiya tayo ng “The Hague”.

Ikinatwiran ng Senadora na bilang mambabatas kailangan nitong tanungin ang mga opisyal ng gobyerno na nagpatupad ng arrest warrant laban Kay Duterte. Pero sa likod ng pag iimbestiga ng senadora sa naturang usapin inamin nito na matagal na silang di nagkakauusap sa kanyang kapatid at tila may humaharang sa kanila sa maayos na pag uusap.

Kwento pa ng senadora na tanging sa publiko nalang sila nagkakausap mula noong nanalo si PBBM noong 2022 elections.

Hindi naman umano nagsisi ang senadora sa pagdaraos nito ng imbestigasyon sa naturang usapin dahil trabaho niya ito bilang isang senador ng bansa.

Tanggap din umano niya ang hindi pagbanggit ni PBBM sa kanyang pangalan bilang kandidato ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa campaign rally ng alyansa sa ng probinsiya Cavite.

Tumanggi ring sagutin ng mambabatas kung ano ang naging konklusyon nito sa unang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kung legal ba o illegal ang pag arresto ng awtoridad kay Duterte at pagsuko ng pamahalaan sa dating pangulo sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands. Kinakailangan pa aniya ng kasunod na pagdinig upang makaimbita siya ng isang international law expert o di kaya naman ex-justice na may sapat na kaalaman sa kaso na kinakaharap ng dating pangulo sa ICC.

Naging patas umano ang pagdinig na ginawa ng kanyang komite dahil ang magkabilang panig naman ay binigyan niya ng pagkakataon na isa-publiko Ang kanilang panig. Pati ang kampo ng mga Duterte, kahit pa nasa The Hague Netherlands si Vice President Sara Duterte, ay nag karoon din ng pagkakatao upang ipahayag ang kanilang panig sa pamamagitan ng online participation.

Joseph Suguitan para sa RoadNews