BACK TO BACK CAMPAIGN NI CONG FIDEL SA 2 BARANGAY, KINUYOG NG MGA SUPPORTERS
Sa magkasunod na House-to-House campaign ni Cong. Fidel Nograles sa Barangay San Isidro at San Rafael nakita at naramdaman ng natin ang mainit na suporta ng mga taga Montalban sa kandidatura ni Nograles.
Muli ay kinuyog ng mga supporters at sinamahan sa kanyang pag babahay-bahay noong araw ng Sabado sa Southville8B ng Bgy San Isidro at kahapon, Lunes Abril 28, 2025, sa mga kalye ng Bgy. San Rafael.
Hindi alintana ng mga supporters ang init ng panahon at pagod sa paglalakad, Masaya nilang sinamahan hanggang sa dulo ang kanilang kongrehista. Masilayan lang daw si Cong Fidel pawi na ang kanilang pagod, makamayan at maka-selfie pa kaya.
Naglabasan din ang mga residente sa kanikanilang mga bahay at pansamantalang itinigil ang kanilang gawain, inabangan sa harap ng kanilang mga bahay ang pagdaaan ng kongrehista. Ang mga iba na taga-looban ay sumadya pa sa kalye na dadaanan ni Cong Fidel, upang makita at makamayan lang si Cong Fidel.
Hindi naman pinalagpas ng iba ang pagkakataon upang makapag-selfie, at ito ay malugod ding pinaunlakan ni Nograles na may pagpapasalamat.
Nagdulot man ng pansamantalang pagsisikip ng trapiko sa mga kalyeng nadadaanan, marami naman sa mga motorista ang natutuwa na makita at makamayan si Nograles. Nakisama din sa pagsasaayos ng trapiko ang ilang mga taga TMO ng Montalban na nakapwesto sa mga major roads na nadaana ng kampanya.
Sa huli ay nagpasalamat si Nograles sa mga sumama at nakiisa sa kanyang house-to-house campaign at humihingi din sya ng paumanhin sa mga naabala sa pansamantalang pagsisikip ng trapiko.
Ang kampanyang ito ni Cong. Fidel Nograles ay para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang kongrehista sa ikaapat na Distrito ng Rizal. Sa kanyang naunang dalawang termino marami-rami narin ang kanyang mga nagawang pinanukalang batas at mga naisakatuparang proyekto sa kanyang nasasakupang distrito, isa na rito ang malapit nang matapos na Norther Tagalog Regional Hospital sa bayan ng Montalban, maliban pa sa mga di-mabilang na ambag nito sa mga pinansyal na pangangailangan ng mga Montalbeño. ###
(Darwell Baldos)

