Pahayag ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) 30 ABRIL 2025

HUSTISYA PARA KAY KASAMANG CHAIRMAN LENINSKY BACUD! PAALAM AT PAGPUPUGAY!

Mariin namin kinukundena ang brutal na pagpaslang kay kasamang Chairman Leninsky Bacud noong hapon ng ika-28 ng Abril 2025, sa harap mismo ng brgy covered court ng Brgy 435, Sampalok, Lungdod ng Maynila.

Napakahalaga ng tungkulin at serbisyo sa bayan ni Chairman Bacud bilang boluntaryong Fire Chief at Amang Tagapagtatag ng Ang Bumbero ng Pilipinas o ABP Party-List upang siguraduin ang kaligtasan ng mamamayan at kapakanan ng mga boluntaryong mga bumbero at rescuer na nagliligtas at nagbubuwis ng buhay para sa bayan.

Naging kasama natin siya pagtataguyod at pagtatanggol ng kasarinlan at karapatang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea o WPS alinsunod sa 1982 UNCLOS at July 12, 2016 Arbitral Tribunal Ruling. At pagkundena sa panakot at pangharas ng mga barko ng Tsina sa ating mga mangingisda at sundalo sa WPS.

Lubos kami nakikiramay sa pamilyang naulila ni Kasamang Chairman Lenin Bacud.

At, Kaisa kami sa pagsigaw, panawagan, at paghahanap ng hustisya para kay Chairman Lenin Bacud.

Mabuhay ang mga Alaala at Malaking Ambag sa Lipunan ni kasamang Chairman Lenin Bacud!

HUSTISYA PARA KAY CHAIRMAN LENIN! MABUHAY ANG ABP PARTY-LIST!