ESPINO’T PANGASINAN: BAKIT, AT PAANONG MULI MABUBUHAY?

download (1)

Nitong katatapos lang na Halalan 2025 ay nakitang namayagpag si Governor Guico sa kaniyang pagtakbong muli para sa kaniyang ikalawang termino. Tapos na nga ba ang pamamayagpag ng pulitikang Espino sa Pangasinan na nagdala ng samu’t-saring parangal para sa probinsiya? Paano nga ba nila mabubuhay ang kanilang legasiya’t posisyon sa pamahalaan? Lahat ng ‘yan, ngayon natin pag-usapan.

Naunang pumasok sa pulitika ang mga Espino, at nakilala, nang dahil kay Amado Espino Jr., o mas kilala bilang si “Gov. Ama”, ang tatay ng kamakailan ay natalong si Amado Espino III o mas kilala bilang si “Pogi”. Sa hinaba-haba ng panahong panunungkulan ng mga Espino ay kinilala ang Pangasinan at nabigyan ng maraming “Seal of Good Governance” awards. Ngunit sa dalawang nakalipas na halalan ay tila ba wala silang appeal sa bawat botante ng probinsya. Nagsawa na ba ang mga Pangasinense sa mga Espino o kulang lamang sa karisma si Pogi? Sa tingin ko’y ang karisma na kinakailangan para sa isang halalang pinagtitibay ng popularismo ay wala kay Pogi; dahil talaga namang may kaya ring gawin si Governor Ramon Guico, dagdag pa riyan ang kaniyang mala-artistang tindig at itsura.

Hindi pa tapos ang pulitika ng mga Espino, ngunit sa aking aral na opinyon ay hindi sila makababalik sa posisyon hangga’t hindi si dating Gov. Ama ang tatakbo bilang gobernador ng probinsiya.

Marahil ay marami ang nagtataka kung bakit parang lumiit ang balwarte ng mga Espino; kung bakit ang mga dating munisipalidad at lungsod na kanilang hawak ang boto ay nagsisilipatan na kay Gov. Guico. Bagay na akin namang naiintindihan, dahil ang pagkatalo ni Pogi sa pangalawang sunod na pagkakataon ay hindi dahil sa kawalan ng mahusay na pamumuno, ngunit ang kawalan ng appeal at karisma sa bawat botante ng Pangasinan.

Para sagutin ang tanong kung paano nila bubuhayin ang kanilang naghihingalong papel sa pulitika ng Pangasinan: DAPAT SIGURONG SI DATING GOVERNON AMADO ESPINO III ang tumakbo sa susunod na halalan na gaganapin sa 2028. Mas mahal ng tao ang tatay, at mas may napatunayan na siya sa pamumuno sa probinsiya. Pinatunayan ng Halalan 2022 at 2028 na iba ang dating ni Gov. Guico, at ang kaniyang dating sa tao ay hindi kayang tumbasan ni Pogi.

Ito lamang naman ay aking opinyon, base sa aking karera’t karanasan bilang isang political analyst. Hindi ito marka ng aking pagsuporta sa political dynasty, ngunit isa lamang akademikong pananaw na sa tingin ko’y nararapat na maiparating sa bawat panig – bagay na lalong magpapaganda ng takbo ng halalan, at hindi magbibigay ng pekeng pakiramdam na mayroon talagang kompetisyon.

ITO’Y ISA LAMANG PANANAW SA ILALIM NG LENTE NG AGHAM PAMPULITIKA UPANG MAIWASAN ANG NAGBABADYANG MONOPLYO NG KAPANGYARIHAN SA IISANG TAO – BAGAY NA SA TINGIN KO’Y KAILANGAN NG DEMOKRATIKONG BANSA.