DAHIL SA KATIWALIAN, ISA PANG OPISYAL NG OWWA SIBAK SA PWESTO
MATAPOS sibakin sa pwesto ang tumayong administrator na si Arnell Ignacio noong nakaraang linggo, tinanggal din sa puwesto ang deputy administrator na si Emma Sinclair, ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kaugnay ng pagkakasangkot sa umano’y maanomalya at hindi awtorisadong P1.4 billion land deal transaction.
Sa pahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na ang pagkasibak sa pwesto ni Siclair ay malinaw na nagkaroon ito ng kontsabahan kay dating OWWA Administrator Ignacio, bunsod sa maanomalyang pagbili ng lupa na gagamitin sa pagpapatayo ng accommodation building ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
“Hindi po mangingimi ang Pangulong Marcos na tanggalin kayo sa pwesto, you will all be fired kapag hindi n’yo tinupad ang inyong mga obligasyon sa bayan,” mariing banggit ni Atty Castro.
Patunaly lamang aniya ito ng panawagan ni PBBM sa lahat ng opisyal ng gobyerno na huwag manloko at gampanan ng maayos ang kanilang mga trabaho.
(Darwell Baldos)

