ALEX EALA, ITINODO ANG LARO SA WTA 250 FINALS
Super exciting na laban ang ipinakita ni Alex Eala sa finals ng WTA 250 Lexus Eastbourne Open sa United Kingdom, kahit na kinapos siya sa dulo laban sa Australyanang si Maya Joint. Sa isang matinding three-set match na nagtapos sa 6-4, 1-6, 7-6 (12-10) sa tiebreak, ibinuhos ng dalawang tennis star ang lahat ng lakas at talento para maipanalo ang titulo.
Mula sa umpisa pa lamang, kitang-kita ang determinasyon ni Joint na kunin ang unang set sa score na 6-4. Ngunit bumalik si Eala sa ikalawang set, na dominado ito sa 6-1. Dumating ang pinakamatinding bahagi sa third set, kung saan parehong hindi nagpatalo ang dalawa, na humantong sa isang napakahabang tiebreak.
Sa tiebreak, halos pantay ang laban hanggang sa huling punto, pero sa bandang huli, mas naging matibay si Joint para ma-secure ang championship. Gayunpaman, kahit hindi nagwagi, ipinagmalaki ni Eala ang kanyang nakakapagod ngunit magiting na laban
Ang torneyong ito ay isa sa pinakamalaking milestone ni Eala sa kanyang propesyonal na karera, na nagpapakita ng kanyang kakayahang makipagsabayan sa mga top players.
Darwell Baldos para sa RoadNews
