Pinalalabas na mang-aagaw?! ANDREA BRILLANTES, MAU-UBUSAN NG LALAKI?!

TEKA, teka nga muna mga katotong marites, bakit tila paborito niyong gawing kontrabida sa umano’y mga hiwalayan blues sa showbiz, itong Kapamilya actress na si Andrea Brillantes?!

Nitong nakaraang mga araw, sumingaw ang umano’y pagkakalabuan ng tinaguriang matatag at matibay na relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo!

Feeling nga ibang katoto, tila ito’y isang publicity scheme lang para magkaroon ng ingay ang kampo ni Daniel dahil tila milya-milya ang agwat ng kanyang kasintahang si Kathryn kung uungkatin ang kanilang mga karera.

At lalong nagpaka-kontrobersiya ang pahayag ni Karla Estrada, na hindi siya nakikialam sa love life ng kanyang mga anak.

Heto na nga, biglang sumulpot ang pangalan ni Andrea Brillantes na itinuturong dahillan ng hiwalayan at kesyo madalas daw pumasyal sa condo unit ni Andrea si JP, at ewan kung authentic ang matching photos na magkasama ang dalawa (JP at Andrea).

Since walang mga pagdi-deny nor confirmation ng mga taong sangkot, nananatiling intriga ang lahat.

Heto pa, heto pa. Ang lead star din pinag-uusapang primetime serye na “Senior High” ang kontrabida sa umano’y hiwalayan ng aktor na si Elijah Canlas, na nagwaging Best Actor para sa “Blue Room” sa katatapos na EDDY Awards, kagabi, sa young actress na si Miles Ocampo!?

Inamin ng kontrobersyal actor na magkaibigan silang nag-partways ni Miles Ocampo at suportado niya ang career ng ex-girlfriend.

Well, tila hindi na malusog ang mga lumalabas na kontrobersiyang sangkot ang mahusay na aktres na lumabas tuloy tipong ibig nitong ipamukha sa nagtalusirang hardcourt heartthrob na ipinagpalit siya sa isang konsehala sa bayan ng Los Banos, si Ricci Rivero.

Isang unsolicited advice lang kay Andrea, o sa mga humahawak sa kanyang publicity na hindi maganda ang epekto nito sa showbiz career ng 22-year old actress. (Art Tapalla)