Editor ng Hollywood director na si Alfonso Cuaron, nag-workshop ng Film Editing para sa FDCP
MASUWERTE kami at naging guro namin ang batikan na film editor na si Alex Rodriguez, ang editor ng mga premyadong obra maestrang “Y tu mama Tambien,” “Children of Men,” “Extraction 2” at marami pang iba. Madalas si Alfonso Cuaron ang direktor ni Alex.
Si Rodriguez ay bahagi ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) FESR Film Lab nitong nakaraang linggo sa pamamagitan ng Tagapangulo at Chief Executive Officer ng FDCP na si Jose Javier Reyes at ng tagapagtatag ng FEST Film Lab na si Filipe Perriera, isang Portuguese filmmaker.
Ang dami kong natutunan kay Alex ungkol sa film editing. (Boy Villasanta)
