Vida Verde, nami-miss ang kapatid na member ng LGBTQIA+ 

ITO namang seksing aktres na si Vida Verde ay hindi rin nagsasawang dumalaw sa nitso ng kanyang kapatid na nabibilang sa LGBTQIA+ na si John Gennaly Clemente Mejia.

 “Mahal na mahal ko ang ading kong ‘yan kaya hindi ako magsasawang dumalaw sa kanyang libingan dito sa Tumauini, Isabela. Pumalya lang ako nang lumuwas ako para kunin ang passport ko sa Maynila,” pahayag ni Vida, Catherine Clemente Mejia sa tunay na buhay.

Nakipagkita rin si Verde sa kanyang kaibigang akters na si Liz Alindogan na maraming nilulutong proyekto sa showbiz.

Samantala, marami ring nilulutong proyekto para sa Batangas ang kahahalal lang muling gobernadora ng lalawigan na si Vilma Santos.

Kaya laging buhay ang kompetisyon sa pagitan nina Vilma at Nora kahit na wala na ang huli.

Ang isa sa ikinakampanya ni Santos ay ang kasiguraduhan at kaligtasan ng mga isda mula sa Taal Lake at ang pagkain ng mga ito.

Kaugnay ito ng pagdiskubre sa mga labi ng mga taong itinapon sa Taal Lake kabilang ang may tatlumpung kataong sabungero na nawala na lamang nang kusa.

Iniuugnay kay Atong Ang at kay Gretchen Barretto ang pagkawala ng mga sabungero dahil sa kanilang pagsososyo sa e-sabong. (Boy Villasanta)