PANGILINAN, SUMANIB SA MAJORITY BLOC; AGRI COM NAKOPO
Nakopo ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang Senate Committee on Agriculture matapos itong sumanib sa Majority Bloc na naghalal kay Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Lunes.
Sa kanyang explanation of vote, sinabi ni Pangilinan na sumanib siya sa majority upang tugunan ang lumalalang krisis sa pagkain at makopo ang chairmanship ng Committee on Agriculture.

Aniya sa pagboto kay Escudero na patuloy na tumataas ang halaga ng pagkain, lomolobo ang bilang ng nagugutom at lumalala ang malnutrisyon sa kabataan na kailangan ng kagyan, maahyos na pagkilos sa pagitan ng Sangay ng Ehekutibo at Lehislatibo.
“Our nation is facing a food crisis and high prices of food have led to unprecedented hunger incidence as well as unprecedented stunting among our children,” aniya sa pagbubukas ng 20th Congress.
Kahit hindi kaalyado ng administrasyon, sinabi ni Pangilinan na dulot ng kanyang 15 taong karanasan sa agrikultura at sektor ng pagkain – kapwa bilang senador at kalihim ng food security – kaya siya nakumbinsi na kailangan ang suporta ng Kongreso at Palasyo para sa epektibong solusyon.
“Only if the executive and the legislative branches work together can we effectively bring down food prices and address hunger and food inflation,” aniya.
Binanggit niya noong nagsilbi siya bilang food security czar mula 2014 hanggang 2015 sa ilalim ng Aquino administration, nagtagumpay ang pamahalaan na maibaba ang presyo ng bigas hanggang P3 kada kilo at bawawan ang rice inflation mula 15 hanggang 0.8 porsiyento sa loob ng isang taon.
Itinuturing nya itong tagumpay sa agresibong reporma anti-smuggling operations, at executive-legislative coordination.
“Nagawa na natin noon at kung magbigay ng buong suporta ang ating Pangulo—magagawa natin ulit ngayon,” aniya.
Nilinaw din niya na hindi ibig sabhin na sumanib siya sa majority ay inaabandona nito ang pagiging independent senator dahil policy outcomes, hindi political labels ang giya sa pagkilos sa lehislatibo.
(Ernie Reyes para sa RoadNews)
