BAHA SA LUNETA AKSYON LABAN SA KORAPSYON
Nagsagawa ng presscon ang ibat ibang sector ng kabataan at manggawa na pinanguhanan ng grupong TAMA NA ni Prof. David San Juan at ng BUNYOG PAKAKAISA PARTYLIST.
Tinatayang nasa mahigit 300 na ibat ibang uri ng sector ng manggagawa at kabataan kabilang dito ang KKK Kalayaan kontra korapsyon, The Ateneo Assembly, Taong Simbahanb, Sandugo ,PNS Association, Health Students , kilusang Mayo Uno, Bayan Muna, Manibela , MATRAB at marami pang iba.

Kanilang sigaw ang lahat ng magnanakaw ay dapat makulong, nanawagan din sila ng MARCOS RESIGN, ikulong ang mga congressman , senador , contractor at kasabwat sa DPWH.
Kanilang din kinondena ang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa pamamagitan nh FLOOD CONTROL na umaabot sa 118.5 Bilyon ang nawawala dahil sa ghost projects.

Naglatag din sila 7 panawagan na alisin sa pwesto ang ikulong ang lahat ng sangkot sa pagnanakaw ng pera ng taong bayan, Ibalik ang pera ng taong bayan na ninakaw, I-abolish ang pork barrel funds, Buksan ang kanilang SALN, Ilabas ang listahan ng lahat ng nagnakaw sa kaban ng bayan, wakasan ang paghahari ng political dynasty at Buwagin ang small group sa Kongreso.
Kanila din pinahayag na meron o sa walang permit ay itutuloy nila ang kanilang rally kasabay ang panawagan sa taong bayan na makiisa at ipaglaban ang kalupitan ng mga magnanakaw sa gobyerno.

Ed Tan Nag-uulat para sa RoadNews
