Zaldy Co, Binawian ng Travel Clearance ni Speaker Bojie Dy III

MANILA – Binawi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance ni Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co at inutusan itong bumalik sa bansa sa loob ng sampung (10) araw.

Ang kautusan ay naipadala sa isang liham na may petsang Setyembre 18, 2025. Ayon kay Speaker Dy, ang pagbawi sa permiso ay para sa “pinakamataas na kapakanan ng publiko” at dahil sa mga “kagyat at mabibigat na usaping pambansa” na nangangailangan ng pisikal na presensya ni Co.

Binigyang-diin ng Speaker na inaasahan niya ang agarang at mahigpit na pagsunod ni Rep. Co. Nagbabala siya na ang anumang kabiguang umuwi sa loob ng itinakdang panahon ay ituturing na pagwawalang-bahala sa legal na proseso ng Kamara de Representantes at maaaring humantong sa disiplinang aksyon at mga legal na kahihinatnan.

Hanggang sa ngayon, wala pang agarang pahayag si Rep. Co patungkol sa pagbawi ng kanyang travel clearance at sa kautusang pagbabalik sa bansa.

Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews