Pangilinan: ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW, UMUSAD NA SA SENADO: ‘KUNG WALANG DINASTIYA, WALANG KURAP’

Ni Ernie Reyes

Malaki ang paniniwala ni Senador Francis Pangilinan na kung walang political dynasty sa sistema ng bansa, walang korapsiyon sa lahat ng antas na nagpapabagal sa pag-unlad  at nagpapahirap sa mamamayan.

Sa pahayag matapos buksan ang pagdinig hinggil sa Anti-Political Dynasty Law, sinabi ni Pangilinan na kapag nabaklas ang dynastic families na nakabaon sa sistemang pulitikal ng bansa, matutugunan ang isyu ng korapsiyon at kahirapan.

Inihatid ito ni Paniglinan sa kanyang opening speech at ilang remarks sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on electoral reforms at people’s participation kasama ang   Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes nitong Miyerkoles.

Tinalakay sa pagdinig ang anti-political dynasty laws na inihain nina Senador Robin Padilla, Panfilo Lacson, Erwin Tulfo, Risa Hontiveros, Bam Aquino, JV Ejercito, at Pangilinan.


Sa hiwalay na pagkakataon sa kanyang pananalita sa ilang resource person, ipinalutang ni Pangilinan ang ideya na wakasan ang political dynasties upang makatulong sa paglutas ng matagal at paulit-ulit na problema ng bansa.

“So we can say – kung walang dynasty, walang mahirap,” aniya kay Dr. Carmel Abao ng Ateneo de Manila University nang hilingin nito hinggil sa kanyang   research paper sa “higher prevalence of poverty” in communities na mayroong “fat dynasties.”

Tinutukoy ng fat dynasties ang political clan na ilang miyembro ng pamilya ang humahawak ng ilang posisyon sa gobyerno nang sabay-sabay.

“So pwedeng sabihin: Kung walang dynasty, walang korap,” aniya.

Binanggit din ni Pangilinan ang lumalakas na panawagan ng publiko laban sa political dynasty tulad ng huling survery ng   Pulse Asia Survey noong Disyembre na nagpapalita na kalahti ng Filipino ang naninwala na kapag may Anti-Political Dynasty Law, malulutas ang sistematikong korapsiyon sa gobyerno.

Aniya, napapanahon ang pagsasabatas ng panukala sa harap ng bilyon-bilyong anomalya sa flood control projects na bumabalot ngayon sa bansa na kinasasangkutan ng ilang halal na dati at kasalukuyang mambabatas at ilang opisyal ng Sangay ng Ekhekutibo.

Perfect timing ito para ugatin ang mga problema, isulong ang mga solusyon, yung concentration ng kapangyarihan at kayamanan sa Pilipinas,” aniya.


“Araw-araw, ang mayorya ng ordinaryong mamamayang Pilipino ay lumalaban ng patas para mabuhay—sa bukid, sa karagatan, sa trabaho, sa opisina, sa negosyo,” giit ni Pangilinan. “Subalit sa larangan ng politika, hindi patas ang labanan. Lalo na’t ‘pag buong angkan ang kalaban ng iisa o iilang kandidato. Hindi ito makatarungan. Hindi ito demokratiko. Dapat baguhin ito.”


Inihain ni Pangilinan ang Senate Bill No. 285 o ang Anti-Political Dynasty Law, na nanawagan sa pagwawakas ng dynastic political families na humahawal ng ilang posisyon at inilipat-lipat la,mang ang posisyon, kinokontrol ang yaman ng gobyerno at nananatili sa kapangyarihan.