P1B kickback inihatid sa penthouse ni Rep. Zaldy Co – DPWH execs

Ni Ernie Reyes

Umabot sa P1 bilyong cash – na nakalagay sa 20 suitcase at ibiniyahe sa anim hanggang pitong van – ang nagdeliber sa penthouse ni   Ako Bicol Rep. Elizaldy Co sa Shangri-La Hotel sa Taguig, ayon sa dating engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kanyang testimonya sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee na nag-iimbestiga sa flood control scam, sinabi ni Brice Hernandez, dinismis na Bulacan engineer, na personal naa ibinigay ang pera sa aide ni Co na nakilala lamang sa pangalang “Paul”.

Dating chairman si Co ng Appropriations Committee ng Mababang Kapulungan.

Ngunit, nilinaw ni Hernandez na hindi nito personal na nakipagkita kay Co, nakita naman niya ang kongresista nang makipagkita siya kay dating   Bulacan district engineer Henry Alcantara, sa hotel.

“I saw him (Co)… He was talking to the boss (Alcantara), ” ayon kay Hernandez  sa komite.

Ayon pa kay Hernandez na hindi nito personal na nakita si Rep. Co sa paghahatid ng pera dahil palaging si Paul ang nakikipagkita sa kanila.

“We did not see Congressman Zaldy directly. The person who spoke to us was someone named Paul, who works for him,” ayon kay Hernandez.

Ayon kay Hernandez sa komite, aabot sa isang bilyon ang perang inihatid kay Co na inilagay sa 20 maleta at isinakay sa anim hanggang pitong van.

“Each suitcase contained around ₱50 million,” ayon kay Hernandez.

Sinusugan naman ni dismissed Bulacan first district assistant engineer Jaypee Mendoza  ang testimonya ni Hernandez saka idenetalye ang paghahatid ng pera sa penthouse ni Co.

“[The money] went straight to the elevator going up to the penthouse—the top floor. In fact, one of our companions, Engineer Paul, actually made it all the way up there,” ayon kay Mendoza.

Ayon pa kay Mendoza, sangkot din siya sa paghahatid ng pera sa bahay ni Co sa Valle Verde sa Pasig City.

“Just like what Boss Henry mentioned earlier—if I’m not mistaken—the first two years were at Shangri-La. In the following years, everything took place in Valle Verde 6,” aniya.  

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews