Dagdag pondo sa AIRPORT UPGRADE NG 4 TOURIST SPOTS sa Ph, isinusulong ni Zubiri

Ni Ernie Reyes

Isinusulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pagdadagdag ng pondo para Department of Transportation (DOTr) upang mapabilis ang airport upgrades sa top tourist destinations sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na hinahagod ng bansa na gamitin ang proyekto upang maging gateways ng lugar para sa turismo na hindi makaka-usad kung walang mas mahabang runways, direct access at isang coherent whole-of-government plan.

Partikular na binabanggit ni Zubiri ang airport upgrade sa Camiguin, Siargao, Coron at El Nido na kailangan ang pondohan upang magsilbi itong tourist gateways ng bansa.

Aniya, may inisyal na alokasyon ang Camiguin pero mahihinto ang kontruksiyon kung walang dagdag suporta habang kailangan namann ng Siargao – isa sa pinakamabilis na umuunlad na destinasyon – ng katulad na runway improvements upang makapalapag ang mas malaking eroplano at magkaroon ng direct flights mula sa ilang major hubs.

“I already have a budget doon sa Camiguin … we need to add to that or else mapipigil yung project,”  ayon kay Zubiri sa ginanap na pagdinig ng badyet ng DOTr ng Committee on Finance.

“With your permission, Chairman, kung makahanap tayo ng budget, magbigay din tayo ng dagdag doon sa Camiguin at dagdagan din natin yung sa airport ng Siargao,” dagdag niya saka binanggit na maaaring makipagkumpetensiya ang mga islang ito sa Tahiti o Mauritius bilang global tourists magnets.

Matagal nang ipinaglalabag ni Zubiri ang isang whole-of-government plan para sa top tourist destinations tulad ng Camiguin, Siargao, Coron, El Nido, Bohol at iba pa dahil malaki ang kontribusyon nito sa ating ekonomiya kapag naisagawa ng tama.

Inihalimbawa ng senador ang Bukidnon at Camiguin na walang direktang ruta kundi kailangan pa nilang dumaan sa Cebu muna bago lumipad ng ikalawa patungo sa isla. Ito aniya ang nagiging balakid sa mga tursita na bisitahin ito dahil gusto nila ang simple point-to-point connections katulad ng ilang lugar destinasyon sa Asya.

“No tourist will do that. They only want two flights, when they go to Manila and when they go to the destination,” aniya.

“Kaya sana we can build the airports that are already 2,000 meters long ang runways para maka-land yung A320s,” giit pa ni Zubiri.

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews