Boying Remulla bilang bagong Ombusdman, NANUMPA NA!
Opisyal nang nakapanumpa bilang bagong Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, ngayong umaga.
Ayon kay Remulla, walang direktang marching orders si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. subalit sinabi nito na nais linisin ng Pangulo ang kurapsyon sa bansa at maging mas maayos na Pilipinas.
Dahil dito, nais niyang unahin ang pagkakaroon ng tamang guidelines sa tamang pag gulong ng kaso sa kanyang opisina.

Nag ala superhero din si Remulla nang aminin na bagamat malawak ang sakop na kapangyarihan ng kanyang opisina ay kailangan itong gamitin nang may responsibilidad o ang kasabihan na ‘with great power comes with great responsibility.’
Sa huli, nanindigan din si Remulla sa naunang pahayag nito na bending the law… giit ng bagong Ombudsman, dahil ito naman ay figure of speech lamang at iba naman ito sa breaking the law.
Jovan Casidsid nag-uulat para sa RoadNews