Gov’t Agencies, LGUs, pinagbawalang umangkat ng bigas: ‘Bumili sa Magsasakang Pinoy’
Ni Ernie Reyes
Mahigpit na nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan kabilang ang local government units (LGUs) na ipagbawal ang pag-aangkat ng bigas at sa halip bumili ng butil sa local na magsasaka gamit ang Sagip Saka Law.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture and food, na malaki ang maitutulong sa magsasaka kapag sa kanila bumili ng buong makinarya ng pamahalaan na magpapaunlad sa kanilang kabuhayan.
Nakapaloob ang panawagan sa kasunduan na pinagtibay nina Speaker Faustino “Bojie” Dy III, Department of Agriculture (DA) Secretary Francis “Kiko” Laurel, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III, ULAP National President Gov. Dakila “Dax” Cua, Isabela Gov. Rodolfo “Rodito” Albano III, House Committee on Agriculture and Food chair Rep. Mark Enverga, House Committee on Agrarian Reform chair Rep. Leah Bulut-Begtang, at National President of the League of Municipalities of the Philippines Mayor Inno Dy.
Ikinatuwa naman ni Pangilinan ang suportang nakuha sa pangunahing opisyal ng pamahalaan at local chief executives sa ginanap na pulong ng DAR, DA, mambabatas at , Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) nitong Huwebes, Oct. 9.

“As far as government purchases of rice are concerned, it has to be locally produced rice. Government corporations, agencies, and local governments should not buy imported rice. They should buy local,” ani Pangilinan.
“Ito na yung kailangan natin gawin kasi talagang matindi na po ang tama sa ating mga farmers. Saka kung maaari lamang, Secretary, talagang bawal dapat bumili ang mga government, ang ating mga department ng mga imported rice, dapat locally produced rice,” dagdag naman ni Speaker Dy.
Kasunod ito sa apela ni Pangilinan sa Malacañang na magpalabas ng executive orders sa pagtatakda ng minimum floor price sa halaga ng palay na bibilihin ng pamahalaan.
“Setting a floor price for palay for government purchases will stabilize the incomes of farmers, who have been forced to sell palay for an average of P7.66 per kilo—way below the production cost of P13.51 per kilo—because of abusive traders and middlemen,” ayon sa senador.
Aniya, pinakamalaking employer sa bansa ang pamahalaan na kapag bumili sa lokal na magsasaka, magdudulot ito ng pinakamalaking market access sa kanila tulad ng magtatanim ng palay at mangingisda.
“This falls in line with his 2019 Sagip Saka Act, the landmark law that he authored and passed to allow all national government offices, agencies, and local government units to directly purchase produce from farmers and fisherfolk without public bidding,” ayon kay Pangilinan.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
