PD 1602 ILLEGAL NA SUGAL; Talamak sa Lalawigan ng Rizal!

hambalos

HAMBALOS ni Larry Rosales

HINDI masawata ng mga tagapagpatupad ng Saligang Batas ang mga nagkalat na illegal na pasugalan sa ibat ibang bayan sa lalawigan ng RIZAL.

Sinalaysay ng mga magulang na makapanayam ng HAMBALOS ni LARRY ROSALES ng RoadNews Arangkada sa Balita, nitong nakaraang araw sa ating opisna, na hindi daw umano masawata ang mga illegal na pasugalan sa kanilang lugar. Dahil hawak daw di-umano ng mga bata ng mga mayor at ni hepe ang mga operator… Matitikas din raw ang mga may ari ng illegal na pasugalan sa loob ng PERYAHAN dto sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Rizal.

At tahasang pang sumboing ng mga asawa na dun lang nauubos ang kinikita ng kanilang mga asawa sa illegal na pasugalan, at ang mga minor de edad na mga kabataan ay maagang natututo sa pagsusugal. Ito rin ang dahilan ng madalas na pagaaaway ng ng mag asawa, sa kadahilanang wala ng nauwing sweldo para sa pamilya.

Kaya umaksyon ang HAMBALOS ni Larry Rosales at RoadNews Arangkada sa Balita upang iparating sa mga TAGAPAGPATUPAD ng Saligang Batsas sa ating bansa na tugunan at aksiyonan ang nasabing issue ng ILLEGAL NA PASUGALAN SA LOOB ng PERYAHAN dito sa ibat ibang bayan sa lalawigan ng Rizal…

Paki HAMBALOS nyo na sir Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melecio Nartatez sir, ang IDOL ng PRESS MEDIA PEOPLE…

Photo Credit to the Owner