Mayor Inno Dy ng Echague, NANUMPA BILANG LMP PRESIDENT

0

Cauayan City | Pormal nang pamumunuan ni Echague, Isabela Mayor Faustino “Inno” A. Dy V ang League of Municipalities of the Philippines (LMP). Kasunod ng kanyang panunumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Oktubre 7, 2025 sa Kalayaan Hall, Malacañang Palace.

Bukod kay Dy, nanumpa rin sina San Juan City Mayor Francis Javier M. Zamora, bilang LCP President; Rep. Joseph Sto. Niño B. Bernos, bilang LMP President Emeritus; at Roxas City Mayor Ronnie T. Dadivas, bilang LCP National Vice Chairperson.

Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga lokal na opisyal na magtulunga upang ibalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Si Mayor Dy ang siyang mangunguna sa 1,493 municipal mayors sa buong bansa upang isulong ang inclusive growth, rural development, at mas mahusay na serbisyo publiko.

Weng Torres nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *