Zaldy Co sabit ulit sa P10-B overpricing ng farm-to-market roads – Gatchalian

0

Ni Ernie Reyes

Hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa flood control scandal, muling natuklasan na sabit si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa overpricing ng farm-to-market-roads (FMRs)  dahil pinakamalaking nakopong proyekto ang kampanya ng dating kinatawan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on finance, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na umabot sa mahigit P10.3 bilyon ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa overpricing ng FMRs noong 2023 hanggang2024.

Pinuna ni Gatchalian ang hinihinging badyet ng Department of Agriculture hinggil sa pagtatayo ng  kalsada patungong bukirin dahil sa sobrang overprice. Kabilang dito ang pagsesemento ng Barangay San Roque FMR Phase 2 sa Taclocan City, Leyte na natuklasan sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

“Hindi lang ito extremely overpriced, extremely, extremely, extremely overpriced,” ayon kay Gatchalian nitong Miyerkoles. “Ito for me obvious sign of corruption na ito eh.”

Base sa kanilang pagtutuos,, sinabi ni Gatcvhalian na ginamit ang P10.3 bilhyon sa pagtatayo ng ibang daan.

“Puwede na tayong gumawa ng kalsada from Manila to Aparri ng isang kalsada, two lanes,” ani Gatchalian.  

Ikinagulat ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang badyet na dapat umanong nasuri ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na may pangunahing tungkulin sa pagtatayo ng FMRs.

“Medyo may problema talaga. Base sa information I got just now, hindi ang DA nag-concur sa mga projects na yan,”  ayon kay Tiu Laurel. 

Aniya, dapat aabor lamang sa P10 milyon ang halaga ng daan partikular mga tuwid na daan na mas mababa kumpara sa P15 milyon na sinisingil ng DPWH.

Dahil dito, iminungkahi ni Gatchalian na bawasan ng 30 porsiyento ang panukalang badyet sa 2026 FMR upang makatipid ngP5 bilyon.  

Ayon kay Gatchalian, napunta ang pinakamalakking bahagi ng ng pondo sa FMR sa Bicol at Eastern Visayas mula noong 2023 hanggang 2024.

Nitong 2024, ayon pa kay Gatchalian,  nakuha ng Hi-Tone Construction and Development Corporation, isang kampanya hinihinalang pag-aari ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, na isa sa pinakamalaking contractors na nakakuha ng FMR projects. 

“Tingin ko hindi naman coincidental na ang pinakamalaking nakakuha ng FMR is region 5 tapos pangatlong pinakamaraming nakuhang kontrata is connected kay Zaldy Co,” ayon kay Gatchalian. 

“Itong 2023 and 2024 hindi kami ‘yan,” ani Tiu Laurel hinggil sa overpriced FMRs. 

“Pumasok ako November 2023, so yung 2024 budget tapos na yung bicam. Yung 2025 lang amin, actually. Itong mga nanalo na to ang bidding process is DPWH yan lahat.”

“We are only validating if it’s complete or not. At marami kaming nakita sa initial audit ng FMR na supposedly, hindi naman marami, konti lang naman, completed pero actually medyo hindi namin mahanap kung nasaan o kaya merong kalye, walang semento,” giit niya. 

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *