Pagsasampa ng kaso vs flood control scandal, pinabibilis sa DOJ: ‘Kurakot ikulong na yan’

Ni Ernie Reyes

Mistulang hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian na tuparin ang sigaw ng mamamayan laban sa sinumang sangkot sa multi-bilyong flood control scandal na ikulong lahat upang mapanagot sa mas lalong madaling panahon.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on finance na kailangan nang pabilisin ng DOJ ang imbestigasyon sa flood control anomalies upang mapanagot ang sangkot dahil nainip na ang taumbayan sa resulta.

“The public is getting impatient with the investigation dahil wala pang nakukulong. We need you to really do something meaningful and drastic,” ani Gatchalian sa DOJ

Inihayag ito ni Gatchalian sa ginanap na deliberasyon ng badyet ng DOJ na pinangunahan ni

Acting Justice Secretary Fredderick Vida kamakailan.

Ayon sa mambabatas, marami nang nakakasukang rebelasyon ang lumitaw sa nakaraang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee at   House Infrastructure Committee kaya lumakas ang inaasahan ng publiko na makakasuhan ang sangkot sa   ghost at substandard flood control projects.

“Alam nila kung sino ‘yung mga sapsap at butete,” ayon kay Gatchalian na tumutukoy sa ilang kongresista at senador kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at posibleng Sabwatan sa Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni nagbalik na Chairman, Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson na sangkot sa anomalya sina dating Majority Leader Joel Villanueva, dating Senador Jinggoy Estrada, dating Senate President Francis “Chiz” Escudero, Ako Bicol Rep, Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez.

“The justice department is expected to initiate the filing of appropriate charges in coordination with the Independent Committee on Infrastructure (ICI),” ayon sa senador.

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews