edizon

PULSO NG MASA ni Edizon Cansino

Sa mga nakalipas na buwan ay sunod-sunod na kalamidad ang dumaan at sumalanta sa ating bansa. Ang mapamisalang lindol sa Visayas, Mindanao at Luzon sinundan pa ng mga pagbaha at mga bagyong malalakas na kumitil ng daang daang buhay at sumira ng milyon milyong ari-rian.

Ang masaklap pa ay lubhang nasalanta ang mga agrikultura, at lubhang tinamaan hindi lang ang Visayas pati ang Mindanao at Luzon.

Sa mga nangyaring trahedya mukhang may ibinukol ang tadhana. Ang mga ipinagmalaking flood control at Disaster preparedness nasaan na?

ICI investigation sa anomalya ng flood control ng hanggang ngayong ay wala pang napananagot. Dahil ba mga matataas ng personalidad at Politiko ang sangkot?

Paano pa makaalpas ang mamamayan pilipino gayong trilliones na perang ninakaw ang pinaguusapan, hanggang ngayon ay wala pang naibabalik sa kanban ng bayan. Ano pa nga ba inaasahang maibabalik eh nasa bulsa na mga iilan!

Ang masaklap mga flood control na naipapaikta ay para lang mga kanal sa kalsada, hindi tapos, at yung iba di pa makita (ghost project) samantalang tapos ng bayaran, ito pa may flood control budget na nga may insertion pa hindi lang milliones kundi billiones! Pati FMR (Farm-to-Matket Road) pinagkakitaan.

Sa usaping ito sino ba kaya ang totoong magmamalasikt sa ating mga kababayan na nasa mababang antas ng buhay? Kung hindi kakayod sa maghapon ay walang maihahaing pagkain sa kanyang pamilya. Umaasa nalang sa ayuda ng mga nanunungkulan.

Tapos mababalitaan natin na ang mga kurakot na nagpapasasa sa pera ng bayan, maalwan ang buhay at maganda ang tirahan, may mga tagaluto, security na unipormado at mga anak na kung gumastos ay todo.

Langhiya! At eto pa! Itong mga ganid na pulitiko gagamitin pa uli ang kalamidad para magkaroon pagkakataon upang makapag nakaw muli mula sa pondo ng bayan. “Isang Taong State of Calamity?”, grabe na sila.

Hanggang kailan magtitiis tayong mahihirap? Hanggang kailan tayo pagnananakawan at pagsasamantalahan ng mga ganid na nanunungkulan sa gobyerno?