JINGGOY, VILLANUEVA, REVILLA, KAKASUHAN SA FLOOD CONTROL SA JAN. 15 – SOLON

0

Ni Ernie Reyes

Kahit walang katiyakan sa impormasyon, inihayag ni Senador Imee Marcos na nakatakdang sampahan ng kasong kriminal laban kina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva kabilang si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Binanggit sina Estrada at Villanueva na kumite sa flood control projects sa lalawigan ng Bulacan sa ginanap na imbestigasyon ng Senate blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senate President Pro-Tempore Panfilo “Ping” Lacson.

Naunang inihayag ng Department of Justice (DOJ) na dating pinamumunuan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na respondent sa nilulutong kaso sina Estrada at Villanueva hinggil sa ghost project sa flood control program.

“Ang balita, January 15, 2026 ang charges against certain senators will be filed. I understand they have already drafted against Sen.Jinggoy, Sen.Joel and former Senator Bong,” ani Marcos sa interview.

“Alam ko na pinagmamalaki na kumpleto na daw yung ebidensiya at puwede na daw ifile,” aniya.

Kasabay nito, ibinasura naman ni Remulla ang haka-hakang nakalap ni Marcos hinggil sa kasong isasampa kina Estrada, Villanueva at Revilla sa pagsasabing hindi nito nalalaman kung saan nanggaling ang kanyang impormasyon.  

“Buti siya alam niya, ako di ko alam ‘yon… ewan ko kung saan nanggagaling ‘yon,” ani Remulla.

Naunang sinabi din ni Marcos na walang direktang ebidensiya na nag=uugnay kina  Senador Francis Escudero at Mark Villar, at dating Senador Nancy Binay at Grace Poe sa “ghost” at substandard flood control projects.

Mahigpit na pinabulaan ng nabanggit ang akusasyon na naghudyat upanga magsagawa ng malawakang protesta ang maraming sektor kabilang ang kabataan at estudyante laban sa flood control corruption at hiniling na panagutin at ikulong ang lahat ng sangkot.

“Bakit naman ganito lahat ng senador akala ko yung flood control ang pinagmulan eh doon sa Kongreso at sa Speaker’s office?,” ayon kay Marcos.

“The bill strictly prohibits the misappropriation of funds, unauthorized deductions, excessive fees, and any increase in remittance charges without prior consultation with concerned government agencies,” nakatakda sa panukala.

Pagmumultahin ng hindi hihigit sa anim na taong pagkakakulong at multa mula P50,000 hanggang P750,000 at karagdagang parusa sa umiiral na banking law ang sinumang mapatutunayan na lumabag sa panukala.

Kailangan din magbigay ng resibo sa bawat transaksiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *