Environment Manager Bureau ng DENR, sinisisi sa Cebu landfill collapse
Ni Ernie Reyes
Matinding sinisisi ng isang bagitong senador ang Environment Management Bureau ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pagguho ng kabundok na basura sa Barangay Binaliw, Cebu City.
Sa pahayag, sinabi ni Senador Erwin Tulfo na dapat managot ang EMB ng DENR sa pagguho ng basura dahil nabigo ang ahensiya na magpatupad ng strict oversight sa landfill na ikinamatay ng 36 katao at 18 ang malubhang nasugatan.
Nagtungo ang senador sa lugar upang personal na makita ang nangyaring pagguho ng basura na tumabon sa itinayong gusali sa gilid ng landfill na ginagawang opisina at bunkhouse para sa empleyado ng pribadong landfill.
Aniya, dapat panagutin ang ahensiya sa Insidente sanhi ng kawalan ng strict oversight sa operasyon ng landfill.

“I cannot understand why the EMB of the DENR allowed the construction of a building at the foot of a mountain of garbage,” aniya.
Sinabi pa ng senador, malinaw na masyadong delikado at matagal nang nagdudulot ng panganib sa pagguho ang bundok ng basura pero ipinagtataka nito kungi ginagampanan ng ahensiya ang kanilang tungkulin na dapat naiwasan ang trahedya.
“If they had only done what they were supposed to do, these people would likely still be alive today,” aniya.
Tiniyak ng mambabatas na paimbestigahan ang Insidente upang matukoy kung sino ang mananagot at matiyak na hindi na mauulit ang trahedya.
