RED CROSS, TUMUTULONG SA SEARCH OPS SA GUMUHONG BUNDOK NG BASURA SA RODRIGUEZ, RIZAL
Ni Iza Aldana
Naghahanda at naka-standby ang mga tauhan ng Philippine Red Cross upang tumulong sa mga awtoridad sa nagpapatuloy na search and rescue operations kaugnay ng pagguho ng bundok ng basura sa Rodriguez, Rizal.
Ayon sa PRC, handa ang kanilang mga rescue team, ambulansya, at medical personnel na magbigay ng agarang tulong habang patuloy ang paghahanap sa iba pang mga residente na posibleng natabunan ng gumuhong basura.
Samantala, nagpapatuloy ang koordinasyon ng Red Cross sa lokal na pamahalaan at iba pang rescue units upang mas mapabilis ang operasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga responders sa lugar.

