WALA PANG NAPAGKASUNDUAN SA KASO NI BATO – Sotto
Ni Ernie Reyes
Wala pang napagkasunduan ang Senado sa kalagayan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na matagal nang nakaliban mula nang pumutok ang ulat na may warrant of arrest na ipinalabas ang International Criminal Court (ICC).
Inihayag ito ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, matapos ang all senators caucus nonog Lunes na tanging pinag-usapan ang inaprubahang priority legislation sa Legislative-Executive Development Advisory Council (Ledac).
Dinaluhan ang caucus ng 14 senador kabilang si Sotto, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
“It was the essence of the caucus anyway, to facilitate the priority measures,” ayon kay Sotto sa Viber message hinggil sa agenda ng caucus.
Ngunit, inamin ni Sotto na tinalakay din ang kalagayan ni Dela Rosa pero walang napagkasunduan sa isyu.

“It was discussed but [there was] no agreement” ayon kay Sotto.
Kinumpirma naman ni Senador Raffy Tulfo na lumutang ang usaping hinggil kay Dela Rosa sa caucus pero wala itong ibinulgar na ibang detalye.
“I’m not free to talk about it. It was just raised,” ayon kay Tulfo sa interview sa Senado.
“It was just raised. No comments made. And the Ledac. Mostly on Ledac,” dagdag ni Tulfo. advisory council.
Nakaliban si Dela Rosa simula nang ipinalutang ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Nobyembre na may warrant of arrest ang ipinalabas ng ICC hinggil sa war on drugs.
Ayon naman kay Zubiri, sinakop din ng caucus ang ilang updates at policy concerns sa West Philippine Sea.
