@EDSA40, Kiko nanawagan ng accountability, PAGWAWAKAS SA NEPOTISMO
Ni Ernie Reyes
Mahigpit na ipinanawagan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pagdiriwang ng ika-40 anibversaryo ng EDSA People Power Revolution na makikita sa kolektibong pagkilos ang kapangyarihan upang maisakatuparan ang imposible dulot ng pagkakaisa para sa common good.
Sa pahayag, inalala ni Pangilinan, isa sa student activist na bumangga sa diktaduryang Marcos, na kamalaunan isinulong ang reporma sa pamamagitan ng prosesong electoral, kung paano binago ng EDSA People Power Revolution, ang political landscape ng bansa.

“Nagiging posible ang imposible sa sama-samang pagkilos ng sari-saring sektor para sa kapakanan ng nakakarami,” ani Pangilinan.
Aniya, naging possible ang imposible sa panahon ng EDSA People Power Revolution dahil napatalsik ang diktaduryang Marcos na nagwakas sa ilang dekadang pangungurakot, pagsasamantala sa kaban at mamamayan at paghahari sa bansa na nagdulot ng kahirapan sa maraming Filipino.
“Naging posible ang imposible sa EDSA 40 years ago, nang matapos ang 20-year na one-man rule, at naibalik ang mga institusyon ng demokrasya tulad ng Senado at ng malayang pamamahayag,” ani Pangilinan.
Ikinumpara ni Pangilinan ang makasaysayang rebolusyon at sariling landas pulitikal kung paano hadlangan ng suporta ng publiko ang hindi inaasahan.
“Naging posible and imposible noong halaan ng nakaraan taon nang lumundag ang ating ranking mula 17 hanggang 5 at napasama sa winning,” ayon kay Pangilinan.
Idinagdag ni Pangilinan sa ngalan ng paniniwala at kolektibong pagkilos, na: “Sa awa ng Diyos at sa kilos ng tao, nangyari ang lahat ng ito at marami pang iba (By the grace of God and the work of man, all these and more happened).”
Umaasa si Pangilinan na tutugunan ng katulad ng spirit of unity ang matagal nang isyu sa ekonomiya at pamamahala.
“Sa awa ng Diyos at sa kilos ng tao, tataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, at bababa ang presyo ng mga bilihin. Mananagot ang mga smuggler, hoarder, at mga kasabwat sa burukrasya,” aniya.
Ipinunto ng senador ang reporma sa pulitika at pamamahalaan sa pagdedeklara na: “Magiging posible rin na mawakasan ang nepotismo sa pulitika, at mapapanagot at makukulong na ang mga kurakot.”
Sa pagdiriwang ng bansa sa ika-40 anibersaryo ng EDSA, ipinunto ni Pangilinan na nakasalalay ang legasiya ng rebolusyon hindi lamang sa pag-aalala dito kundi maging sa reporma.
“Magiging posible ang tila imposible sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng pinakaaba at pinakamaliliit sa ating lipunan,” aniya.
