QC Rep. Suntay, nakatikim ng pagbatikos mula kay Risa: ‘ABSOLUTELY NO EXCUSE’
Ni Ernie Reyes
Matinding kinastigo ni Senador Risa Hontiveros si Quezon City Rep. Bong Suntay sa pambabastos hindi lamang kay Anne Curtis kundi maging sa buong kababaihan na nag-iinit ang mambabatas sa naturang artista.
Sa pahayag sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate committee on women, youth and family relations, na walang dapat ikatuwiran si Rep. Suntay na “pawang imagination” lamang ang pagsasabing nag-iinit ito kay Curtis sa tuwing makikita ang artista.

“Rep. Bong Suntay must apologize and make the necessary amends to Ms. Anne Curtis. There is absolutely no excuse for his repulsive remarks,” ayon kay Hontiveros.
Matatandaan na pinangunahan ni Hontiveros ang imbestigasyon ng Senado na ginawang kahalayan sa kababaihan ni Pastor Apollo Quiboloy na nakakulong ngayon sa kasong human trafficking at panggagasa sa miyembro nito.
“Ang mas nakakabahala, patuloy pa niyang iginigiit na walang mali sa kanyang sinabi,” ani Hontiveros.
“The Representative must be reminded that under the Bawal Bastos Law, which I authored, gender-based harassment is punishable. Statements of sexual comments and suggestions can be penalized. As a lawmaker, he should know this. More importantly, he is duty-bound to uphold it,” giit ng senadora.
Ayon kay Hontiveros, kampion ng kababaihan sa Senado, na habang ipinagdiriwang ang Women’s Month sa bansa, isang paalala ang pambabastos ni Suntay, na patuloy na tungkulin ang pagtatanggol sa dignidad ng kababaihan.
“As we celebrate Women’s Month, this incident is a reminder that advancing women’s dignity and basic respect is continuous work; work that must be asserted, defended, and reaffirmed, again and again,” giit ni Hontiveros.
“Huwag nating hayaang maging normal ang kabastusan. Patuloy tayong manindigan para sa kababaihan,” dagdag pa ng senadora.
