RATIPIKASYON NG NUCLEAR CONVENTION, target ng Senado bago SONA
Ratipikasyon ng nuclear convention, target ng Senado bago SONA
Ni Ernie Reyes
Tinatarget ng Senado na iratipika ang apat na pangunahing nuclear convention bago ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hulyo.
Sa pahayag, inihayag ito ni Senador Erwin Tulfo saka hiniling sa ilang ahensiya na tugunana ng tatlong-buwang timeline.
Itinakda ang target sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations nitong Martes na tinalakayan ang pagkatid sa international nuclear safety and liability frameworks.

“Siguro bago mag-SONA ang Pangulo, tapos na po ‘yan … ma-ibabato nyo na po sa DFA,” ayon kay Tulfo.
Kabilang sa conventions na pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang Convention on Nuclear Safety, Convention on Supplementary Compensation for Nuclear Damage, Protocol amending the Vienna Convention on Civil Liability for Nuclear Damage, at ang Joint Convention on the Safety of Spent Fuel and Radioactive Waste Management.
Sinabi ni Energy Undersecretary Giovanni Bacordo na apat sa protocols ang nasailalimm sa proseso habang isa lang ang kailangan ng concurrence ng 24 government agencies.
“We commit our best effort but we cannot speak again for the other 24 member agencies from which they require their concurrence also,” ayon kay Bacordo.
Kaya hinikayat ni Tulfo ang lahat ng ahensiya na ayusin ang koordinasyon saka iminungkahi ang Cabinet-level discussions upang mapabilis ang pag-apruba.
“Hindi ba pwede mag-usap-usap sa Cabinet meeting? I think you can do that, right ,” aniya.
Inihayag naman ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Edgar Badajos na maaari nang magsumite ng kompletong dokumento ang ahensiya sa Office of the President kaagad kapag naisumite na ang lahat ng pangangailangan.
“Sa amin po sir, once we receive the complete package from the lead agency, three to four days, ma-ibabato na po namin sa Presidente,” giit ni Badajos.
