MMDA HANDA NA SA DARATING NA TAG-ULAN
Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang seremonyal na pagbabasbas ng mga bagong kagamitan at dump truck sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project sa MMDA Motorcycle Riding Academy sa Pasig City ngayong Mayo 20, 2025, umaga ng Martes.
Ang mga bagong kagamitang ito ay makakatulong sa MMDA na mapabuti ang kanilang serbisyo sa pagkontrol ng baha sa Metro Manila. Ang mga kagamitang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MMDA na mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga residente ng Metro Manila. Hindi lamang ito tumutukoy sa pagkontrol ng baha, kundi pati na rin sa pagbibigay ng mas mabilis at epektibong tugon sa mga emergency situation.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagsisikap ang MMDA na mapabuti ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitan at pagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng mga residente ng Metro Manila.
Sa kabuuan ang mga bagong gamit ng MMDA ay ang mga sumusunod:
Apat (4) na backhoe units; Walong (8) loader trucks; Dalawang (2) telescopic cranes; Dalawang (2) excavators; Limang (5) high-pressure vacuum, emptier, and watertight trucks; Talto (3) na boats; Anim (6) na mobile pumps; Labing-siyam (19) na dump trucks; Apat (4) na power cleaning machines.
Buboi Patriarca

