MAGALONG NANAWAGAN PARA SA PAGKAKAISA AT PAGKAKASUNDO!

Baguio City | Matapos ang matagumpay na muling pagkahalal bilang alkalde ng Baguio City, muling binigyang diin ni Mayor Magalong ang kahalagaan ng pagkakaisa at reconcolliation. “Isang-tabi na ang bangaan, Let us rise above division and instead focus on working together, supporting the leaders that the people have chosen” Ani Magalong. “to turn our energy toward reconciliation, unity and shared purpose” dagdag pa nito.

Binigyang diin ni Magalong na ang kanyang tagumpay sa nakaraang halalan ay tagumpay din ng bawat residente ng syudad ng Baguio na naniniwala sa matapat na pamamahala, inclusive leadership, at isang vision para sa isang mahusay, at mas progresibong lungsod.

Habang pinasasalamatan nya ang lahat ay tiniyak ng alkalde na ang kanyang administrasyon ay patuloy na walang sawang magsusumikap para sa patuloy na pag-unlad ng Baguio City.    

“Magtulungan tayo, sama-samang bumangon, at isulong ang progresong tunay na nais ng mga taga Baguio” apela ni Magalong

### Faustino Dar