MATATAG NA SEGURIDAD SA CAMANAVA, MAS PINALAKAS NI PBGen Dela Cruz ng NPD
NAGPAPATULOY ang maigting na kampanya ng mga kapulisan sa CAMANAVA na tumutukoy sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela laban sa kriminalidad at ilegal na droga, bagay na umani ng papuri mula sa publiko. Ngayong Martes, Mayo 19, 2026.
Sinabi ng Northern Police District o NPD na mas pinaigting pa nila ang kanilang operasyon sa mga nasabing lungsod upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ayon sa ulat ng NPD, ilang most wanted na personalidad ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon habang patuloy rin ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga at iba pang uri ng krimen. Bukod dito, pinuri rin ng mga residente ang ipinatutupad na “Safer Cities Initiatives” ng kapulisan kung saan mas pinalawak ang police visibility at pagbabantay sa mga pangunahing lansangan at pampublikong lugar.
Mas pinaigting din umano ng mga pulis ang koordinasyon sa mga barangay upang agad na matugunan ang anumang insidente at maiwasan ang kaguluhan sa komunidad. Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ng NPD na patuloy nilang palalakasin ang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang responde sa oras ng sakuna, emergency, at iba pang banta sa seguridad.
Dahil dito, maraming residente ang nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa sakripisyo ng mga pulis na patuloy na nagbabantay araw at gabi para sa kaligtasan ng mamamayan.
Ayon sa NPD, nananatiling prayoridad ng kapulisan ang pagbibigay ng tapat, mabilis, at maayos na serbisyo publiko sa buong CAMANAVA area.

“Ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasa salita kundi nasa gawa at sakripisyo para sa bayan.”
