DISCAYA, KUMANTA NA! Ang ibang Contractor susunod na kaya?
MANILA, Setyembre 8, 2025 | ISANG pasabog na nagpayanig sa mga nasa kapangyarihan, ito ay ang pagkanta at pagkumpirma ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya na ang lahat ng inilahad ni Senador Panfilo Lacson at tunay na nagyayari. Isang malawak at sistematikong pamemera sa kaban ng bayan na kinasasangkutan ng mga miyembro ng Kamara de Representante at matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang malabombang pasabog na pahayag, inamin ng mag-asawa na direktang nanghihingi ang mga nasabing opisyal ng cut na 10% hanggang 25% mula sa mga kontrata ng DPWH, na tahasang tumatama sa mga naunang exposé ni Lacson. Hindi umano ito mga pangkalahatang paratang, sapagkat inilahad nila nang buong-tapang at may pangalan at posisyon ang bawat isa.

Kabilang sa mga binigyang-pangalan ay sina:
Terence Calatrava, Former USEC ng OPA for Visayas
Pasig City Rep. Roman Romulo,
Quezon City Rep. Arjo Atayde,
Rep. Marcy Teodoro,
USWAG Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang,
Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas,
AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones,
San Jose del Monte Bulacan Rep. Florida Robes,
Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona,
Occidental Mindoro Rep. Odie Tarriela,
Quezon Rep. Reynante Arrogancia,
Quezon City Rep. Marvin Rillo,
Caloocan Rep. Dean Asistio, at
Quezon City Rep. Marivic Co-Pilar.
Kasama rin sa mga nasangkot ang mga dating mambabatas na sina:
Former Congressman Benjamin Agarao Jr.,
Former Congressman Florencio Gabriel Noel,
Former Congressman Teodorico Haresco Jr., at
Former Congresswoman Antonieta Eudela.
Katambal umano ng mga mambabatas sa flood control scheme ay ang mga pinunong nasa loob ng DPWH mismo. Kabilang sa mga ikinanta sina:
Regional Director Eduarte Virgilio ng DPWH Region V,
Director Ramon A. Arriola III ng Unified Project Management Offices (UPMO),
District Engineer Henry Alcantara ng DPWH Bulacan 1st,
Undersecretary Robert Bernardo,
District Engineer Aristotle Ramos ng DPWH Metro Manila 1st,
District Engineer Manny Bulusan ng DPWH North Manila DEO,
District Engineer Edgardo C. Pingol ng DPWH Bulacan Sub-DEO, at
District Engineer Michael Rosaria ng DPWH Quezon 2nd DEO.
Ngunit hindi natapos ang paglalantad sa mga indibidwal. Ayon sa mga Discaya, ang malaking bahagi ng mga “koleksyon” mula sa DPWH ay umano’y dinidirekta kay Zaldy Co, na may hindi bababa sa 25% na porsyento. Ikinaladkad din sa kontrobersya ang pangalan ng House Speaker Martin Romualdez. Giit ng mga mag-asawa, ang mga proyekto ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ay nanggagaling umano sa “unprogrammed funds” at “budget insertions” at may koneksyon kay Speaker Romualdez. Inamin umano mismo ni Cong. Jojo Ang na ang kanyang mga proyekto ay nakatali kay Romualdez at Zaldy Co.
Inaantay rin ng ating team ang pagkanta ng ibang mga contractor na dawit sa flood control scheme. Sa kasalukuyang humamagilap ang RoadNews Investigative Team ng kasagutan mula sa panig ng mga personalidad na direktang tinukoy ng mag-asawang Discaya.
RoadNews Investigative Team
