Sotto pumalit kay Escudero; Jinggoy, Villanueva talsik din sa puwesto
Ni Ernie Reyes
Tuluyan nang pinalitan ni Minority Leader Vicente Sotto III bilang bagong halal na Senate President kabilang sina Senador Jinggoy Estrada bilang senate president na pinalitan ni Senador Panfilo Lacson.
Talsik din sa puwesto si Senador Joel Villanueva na pinalitan ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri bilang majority floor leader ng Senado.

Naunang umugong sa Senado Lunes ng umaga na papalitan ni Sotto si Escudero na may 15 signatories sa resolusyon na magpapalit sa liderato ng Senado.
Ayon kay Sotto, kasama siya at ilang senador ang may umiinit na isyu sa nakaraang liderator ng Senado pero nilinaw niya na wala itong kinalaman sa isyu ng flood control dahil matagal na silang nag-uusap hinggil dito.
Kasabay nito, pinalitan din ni Lacson si Estrada bilang Senate president pro-tempore, pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Mataas na Kapulungan; kabilang din si Zubiri na pumalit kay Villanueva na iniugnay kay District Engineer Henry Alcantara na sinibak sa Department of Public Works and Highways.
Walang tumutol sa pagpapatalsik kina Estrada at Villanueva sa naturang posisyon at pagkakahalal kina Lacson at Zubiri.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
