LALAKI, ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA SAN CARLOS CITY

Ayon sa press release ang operasyon na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Eleazar C. Edolmo, Officer-in-Charge ng SCCPS, ay matagumpay na nahuli ang isang lalaki na naninirahan sa lungsod sa pamamagitan ng isang buy-bust Operation na isinagawa noong September 13, 2025.

Narekober sa operasyon ang isang piraso ng heat-sealed na transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu. Kumpiskado rin ang isang cellphone na brand OPPO, at ang mga barya at perang ginamit bilang pambili sa operasyon.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa San Carlos City Police Station para sa kinakailangang dokumentasyon at tamang disposisyon ng kanyang kaso.

Ang San Carlos City Police Station ay nanawagan sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng kanilang emergency hotline 911.

#ToServeandProtect #SaBagongPilipinas,angGustoNgPulisLigtasKa! #BagongPilipinas

PCAD San Carlos nag-uulat para sa RoadNews