VP SARA NAGLABAS NG PAHAYAG, “ANOTHER FISHING EXPEDITION”

Ni Darwell Baldos

NAGLABAS ng pahayag si VP Sara Duterte Noong Dec 13, 2025, kung saan mariin niyang kinondena at tinawag nitong “another fishing expedition” o sistematikong pagsisisyasat na may motibong political, na isinasagawa laban sa kanya. Ang inilulunsad, na aniya’y bahagi lamang ng paghahanap ng anumang maaring gamitin para bigyan lehitimasyon ang isang imbestigasyon.

Sa kanyang pahayag, binanggit din ng Pangalawang Pangulo ang umano’y pagtangka ng mga kongresista noon nakaraang taon na “gawing pamilihan” ang proseso ng impeachment. Ayon sa liham, may mga paratang na ipinapalit umano ang mga pirma para sa impeachment sa mga paglalaan ng pondo o budget allocations.

“Then came the revelation that signatures for my impeachment were being courted in exchange for budget allocations. Several lawmakers themselves recently confirmed how the constitutional process was being cheapened and reduced to marketplace,” ayon kay Duterte.

Nanawagan si VP Sara sa publiko na maging mapanuri at huwag magpadalos-dalos sa pagtanggap ng mga paratang. Giit niya, hindi umano ito tungkol sa paghahanap ng katotohanan Kundi sa pagtatakip sa anumang katiwalian sa kaban ng bayan.

“Patuloy lamang tayong maging matatag sa harap ng pagbagsak ng ekonomiya at walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin. Patuloy tayong magdasal para sa kapayapaan,” pagtatapos ng kanyang pahayag

Tiniyak naman ng bise na patuloy na maglilingkod ang kanyang taggapan nang mahusay at naayon sa pangangailangan ng taumbayan.