Sotto: IMPEACHMENT CASE VS SARA, AAKSIYUNAN KAAGAD: ‘FORTHWITH’
Ni Ernie Reyes
Anuman ang impeachment complaint na ipapasa ng Mababang Kapulungan sa Senado, kaagad na aaksiyunan ng plenaryo Alinsunod na itinakda ng Saligang Batas na “forthwith”, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Sa pahayag, sinabi ni Sotto na natatangi nitong gagawin sa impeachment ang salitang “forthwith” na hindi sinunod na nakaraang administrasyon sa Senado sa pamumuno ni dating Senate President Francis “Chiz” Escudero.

“One thing is certain. As SP, I will act on it with dispatch, forthwith!” aniya sa statement.
Pero, tumanggi si Sotto na banggitin kung may preparasyon sa pansarili ang nakaabang sa anumang impeachment complaint. “That’s putting the cart before the horse.”
“Meron bang impeachment? Pareho bang papasa sa HOR” dagdag niya.
Wala pang nakahain na impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, sinabi ng Palasyo na nakahanda ang Chief executive na harapin ang anumang reklamo laban sa kanya.
Kamakailan, inihayag ng oposisyon na nakatakda nang maghain ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
Ilan sa articles of impeachment na nakatakdang ihain sa Kamara ang unexplained wealth, nabigong ilantad sa Statement of Assets and Net work (SALN) ang ilang ari-arian at yaman nito na paglabag sa Section 17 ng Article XI ng 1987 Constitution, high crime of murder at conspiracy to commit murder.
Nabigong umusad ang impeachment complaint laban kay Duterte nitong panahon ni Escudero dahil isinantabi ang reklamo.
