TEODORO BINUKSAN ANG ART IN EVERY POUR: SINING, KABUHAYAN AT KABATAAN, PINAGTAGPO SA MARIKINA

Ni Iza Aldana

MARIKINA CITY — Buhay ang sining at umaagos ang kabuhayan sa Marikina matapos pormal na buksan nina Mayor Maan Teodoro at Cong. Marcy Teodoro ang Art in Every Pour: Arts, Crafts & Coffee Festival sa Marikina Freedom Park bilang pagdiriwang ng National Arts Month.

Hindi lang ito simpleng festival—ito’y direktang plataporma para sa mga lokal na artisan at coffee shop owners na ipakita ang kanilang likha at timpla, habang binibigyan ng entablado ang talento ng mga kabataang Marikeño na patuloy na umaangat sa larangan ng sining.

Sa loob ng apat na araw, pinagsasama ng festival ang kulay ng sining, lasa ng kape, at lakas ng komunidad—patunay na ang kultura ay puwedeng maging daan sa kabuhayan at inspirasyon.

Inaanyayahan ang publiko na makiisa at maranasan ang selebrasyong bumubuhay sa lokal na ekonomiya at malikhaing diwa ng lungsod.