Kotse ni Sotto, KINUYOG ng Bato supporters paglabas ng Senado, kagabi
Ni Ernie Reyes
HINDI maibulalas ni dating Senate President Vicente Sotto III ang pagpupuyos ng damdamin matapos itong pagbabatuhan, yugyugin at murahin habang sakay ng kanyang kotse palabas ng Senado nitong Miyerkol;es ng gabi.
Bukod sa galit sa supporters ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, nagpupuyos din ng galit si Sotto sa ilang daang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hindi nasawata ang ralyista na kumukuyog sa kanyang sasakyan.
“I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate,” ayon kay Sotto.
Alam naman ng lahat na walang kasamang personal bodyguard si Sotto pagpasok at pag-uwi galing sa Senado simula nang maging mambabatas ito noong early nineties.

“The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks,” ayon kay Sotto.
“They can see that I am driving alone with no bodyguards. Ilang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito? Ganito na ba kawalang respeto at kawalanghiya ang mga taga-suporta ng ilang Senador na nag rarally ngayong gabi?,” ngitngit ng senador.
Wala pang opisyal na pahayag si Senate President Alan Peter Cayetano sa naturang Insidente dahil lubhang magulo ngayon sa Senado pagkatapos ng putukan sa loob ng gusali nitong Miyerkoles ng gabi.
Base sa unang assessment ng pulisya, walang nasakatan o namatay sa putukan.
