Bato ITINAKAS ni Robin pagkatapos ng putukan

0

Ni Ernie Reyes

HINDI na makita ngayon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at walang sagot o tugon ang kanyang tanggapan hinggil sa pagkawala ng kanilang principal ilang oras matapos ang putukan sa loob ng gusali.

Base sa impormasyon na nakalap, pumuslit si Dela Rosa dakong 2:30 ng umaga kasama si Senador Robin Padilla na mahigpit nitong kaalyado na minsang nagsalita na kapag dinakip amg senador mulang Davao City, sasama sa kulungan.

Dahil dito, mahigpit na pinagpapaliwanag ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang liderato ng Senado hinggil sa ugong na nakatakas ang mambabatas.

Naunang may nakaabang na warrant of arrest si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity bilang chief enforcer ng Oplan Tokhang sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nakakulong ngayon si Pangulong Duterte sa katulad na kaso sa international Criminal Court (ICC) sa The Hauge sa katulad na kasong crimes against humanity.

Kaugnay nito, nakatakdang magbigay ng pahayag si Senate President Alan Peter Cayetano hinggil sa “pagtakas” ni Dela Rosa pagkatapos ng putukan.

“Mabigat ang ugong sa mga balita na nakatakas si Sen. Bato Dela Rosa. Mariing nananwagan ako sa liderato ng Senado kasama ang Sergeatn-At-Arms na magpaliwanag sa publiko kung totoo o hindi ang lumalabas na balita,” ayon kay Gatchalian.

Hanggang isinusulat ang balitang ito, wala pang kumpirmasyon sa Senado kung totoong nakatakas si Dela Rosa.

Ngunit, malakas ang ugong sa Senado na kasama ni Dela Rosa si Padilla palabas ng gusali ng Senado dakong 2:30 ng umaga. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *