PARATANG ni Lacson kay Pia sa PAGPUSLIT kay Bato sa Senado, PINABULAANAN

0

Ni Ernie Reyes

MAHIGPIT na pinabulaanan ni Senador Pia Cayetano ang maling paratang ni Senador Panfilo Lacson na siya mismo ang nagpuslit kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Senado upang makaboto sa pagkakahalal kay Senate President Alan Peter Cayetano nitong Lunes.

Sa kanyang privileged, sinabi ni Pia na malaki ang respeto nito sa kasamahan kahit ano ang kulay pulitika ngunit hindi nito palalampasin ang paratang na kasangkot siya sa pagpupuslit kay Dela Rosa sa Senado.

“I have conducted myself with respect towards my colleagues regardless of political differences. Mr. President, today, a public statement was made by our colleague, Senator Ping Lacson, which was also posted in his YouTube page, suggesting that my vehicle was used to assist Senator Dela Rosa in entering the Senate premises, which I quote, ang pagkakaalam ko, at least silang dalawa lang mag-ate Dahil ang pagkakaalam ko, nakasakay si Bato sa kotse ni Senator Pia,” ayon kay Pia.

“Sinabi man niya na sa pagkakaalam niya. Ang katanungan ko po, Mr. President, nag-abala ba kayo mag-double check bago niyo yan sinabi sa public?,” dagdag ng senadora.

Sinabi ni Pia na isinapubliko ang paratang upang lumitaw na sangkot siya sa pagpasok ni Dela Rosa sa Senado.

“Because despite that qualification, the statement was publicly conveyed in a manner that created the impression that I was directly involved in facilitating Senator Dela Rosa’s entry into the Senate premises,” aniya.

Aniya, walang problema sa kanya na nakarating si Dela Rosa sa Senado, ngunit wala itong kinalaman sa pangyayari.



 “Let me state this clearly and unequivocally. That statement is false. Senator Dela Rosa did not ride in my vehicle, nor did I have anything to do with facilitating his presence in the Senate last Monday,” ayon kay Pia.

Sinabi pa ni Pia na: “Hindi ko nga alam na darating siya.”

“Nalaman ko lang na darating siya dahil ang Minority Floor Leader, na kapatid ko, tumayo diyan, and he addressed the Senate President, and nagpasalamat siya sa public service ng Senate President, Senator Tito Sotto, which I also believe is well-deserved. Sinabi niya na maganda ang pakitungoan sa kanya ni Senate President Tito Sotto. And then sinabi niya na we have the numbers and Senator Bato is present,” ayon sa senadora.

“Nagulat din ako. Katabi ko si Loren, sabi ko, nagulat ako. Wala akong idea. Hindi ko alam kung nasan siya, hindi ko alam na malapit na siya. I have no idea kung nasaan siya. So kung paano nadamay ang kotse ko is a mystery to me, dear colleagues and the public,” ayon kay Pia.
 
“Unverified allegations about a colleague falls below the standard of professionalism that is demanded of public officials,” aniya.

Kasabay nito, humingi naman ng paunmanhin si Lacson sa pagkakalat ng “verified information” na mahigpit na pinabulaanan ni Pia.

 “If that was a mistake, I sincerely apologize,” he said. “I made that public statement because I thought it was not a very serious matter,” ani Lacson.

Aniya, kung nalalaman lamang niya na kay Senador Loren Legarda nakasakay si Dela Rosa, magkakaroon ng mas malaking isyu.

“Kung malaman pa naming kay Sen. Legarda pa nakasakay, baka doon pa kami magkaroon ng issue. Maski kanino pa siya nakasakay na sasakyan, sa tingin ko walang problema, walang issue,” ayon kay Lacson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *