BAGONG FORENSIC DOC LAB SA MCIA PINASINAYAAN NG BI

image

CEBU, Philippines – Pinasiyaan ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang Miyerkules ang bagong cutting-edge document examination laboratory sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

    May gamit ng state-of-the-art Video Spectral Comparator, ang bagong pasilidad na magpapalakas sa kapasidad ng BI sa pagtuklas ng mapaglinlang na mga dokumento.

    Ang bagong kagamitan ay magbibigay ng advanced na inspeksyon, kasama ang pag-analisa ng ‘watermarks, microprints, and other security features critical in identifying counterfeit documents.’

    Ang pagtatag ng nasabing laboratoryo ay parte ng mas malawak na inisyatiba na suportado ng pamahalaan ng Australia na nag-donate ng sopistikadong mga kagamitan at nagbigay ng specialized training para sa BI personnel.

     Binigyan-diin ni BI Anti-Fraud Section Chief Marivic Beltrano ang kahalagahan ng bagong pasilidad na nakalagay na, “The opening of this laboratory is a crucial step in our ongoing efforts to combat document fraud. With this new laboratory, our ability to intercept fraudulent documents is significantly enhanced, ensuring greater security at our borders”.  She added “We’ve already made major interceptions, and this laboratory will undoubtedly contribute to even more successes.”

    Ikinatuwa naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang inisyatiba na “This new laboratory exemplifies our dedication to public service and national security. We are deeply appreciative of the Australian government’s support and proud of our Anti-Fraud Section’s tireless efforts.”

    Ang Bureau of Immigration ay nananatili sa kanilang pangako para pangalagaan ang ‘nation’s borders, enhancing the travel experience, and ensuring the rule of law is upheld.’

    Ang BI’s forensic document examination laboratories ay kasalukuyan nang gumagana sa kanilang Main Office, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport, Davao International Airport, at Mactan-Cebu International Airport. (Joselito Amoranto)