SIGALOT SA WPS LALO PANG LUMALALA    

CHINA

Muli na namang nagkaroon sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng mga miyembro ng China Coast Guard (CCG) at Philippine Navy noong nakaraang Lunes.

    Ayon sa report, pinalibutan umano ng mga miyembro ng CCG na may kanya-kanyang mga sasakyang pandagat ang ilan sa mga sasakyan naman ng Philippine Navy.

    Gamit ng mga bolo, palakol at ilang patalim na pinagduduro ng CCG ang mga tauhan ng Philippine Navy habang nasa tabi lamang barko ng Pilipinas na nakasadsad sa WPS na naka-istasyong mga sundalong Pinoy.

    Dahil sa girian sa pagitan ng dalawang panig isa sa mga sundalong Pinoy ang naputulan ng hinlalaking daliri.

    Hindi pa umanong nakuntento sa panduduro ang mga tauhan ng CCG sa mga miyembro ng Philippine Navy pinagsasaksak pa ng mga ito ang rubber boat ng mga Pilipinong sundalo.

    Pinagkukuha din ng mga tauhan ng CCG ang ilang baril ng mga miyembro ng Philippine Navy na nakatago matapos na halughugin ng mga ito ang sasakyang pandagat ng mga Pilipinong sundalo.

    Ayon naman kay  Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner “outnumbered” umano ang mga Pilipino sa dami ng CCG na sumalubong sa kanilang WPS.

    Sinabi pa niya, na nagmistulang mga pirata ang ginawa ng mga tauhan ng CCG sa mga miyembro ng Philippine Navy.

    Hinikayat naman Sen. Francis Tolentino na dapat mag-convene ang National Security Council ng Pilipinas para magkaroon ng matalinong hakbang kaugnay sa nangyari sa WPS. (Joselito Amoranto)