TULOY ANG SERBISYO SA MGA PILIPINO
Minsan may mga balakid, pero hindi titigil ang pamunuan ng Road News sa paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.
Hindi ko na po idedetalye pa kung anong nangyari sa Road News ang mahalaga po ay narito na naman po kami para maghatid ng mga dekalidad na impormasyon sa mamamayan.
Itinatag po namin ni sir Mike Rosario ang Road News para maglahad ng mga balita sa ating mga kababayan na patas at walang kinikilingan.
Maging mga kabaluktutan man o matuwid na gawain ng ating mga opisyal ng pamahalaan ay kailangan namin maihatid ang balitang ito sa taumbayan.
Muli ko pong uulitin ang pondo na ginagamit ng mga tanggapan ng gobyerno ay nagmumula sa buwis ng mga Pilipino kaya may karapatan po kaming malaman kung saan ito napupunta, nagagamit ba ito ng tama o sa mali?
Lahat po ng opisina ng gobyerno ay may mandato na dapat sundin ng mga nagpapatakbo nito.
Kaya batu-bato sa langit ang tamaan ‘wag magagalit dahil pag nakita naming may katiwalaan sa inyong mga tanggapan ay makatitikim kayo sa amin ng batikos.
Kung kayo naman ay gumagawa ng mabuti ay bukas po ang pahinang ito para purihin namin kayo.
Kundi ako nagkakamali lahat ng opisina ng gobyerno sa tuwing araw ng Lunes ay nagkakaroon ng flag ceremony na kung saan ay nanunumpa pa tayo ng katapatan sa ating mga tungkulin.
Isa puso po natin ito, pagalay ko hindi po kayo magkakaproblema.
oOo
Maaari po kayong tumawag sa cel# 0919-259-5907 o mag-email joel2amongo@yahoo.com.