PROTEKSYON SA MGA PINOY CAR BUYERS, HIRIT SA KAMARA

SA dami ng reklamo ng mga Pilipinong nakabili ng bagong sasakyan, napapanahon nang balikan, rebisahin at amyendahan Republic Act 10642 na mas kilala sa tawag na Philippine Lemon Law.
Para kay Deputy Speaker Las Piñas Rep. Camille Villar, hindi sapat ang ngipin ng RA 10642 para salagin ang pagmamalabis at pagtakas sa responsibilidad ng mga car dealers at manufacturers na gumagawa at nagbebenta ng depektibong sasakyan sa mga mamamayan.
Hirit ni Villar, House Bill 10347 na may kakayahan panagutin sa sukdulang abot ng legal na pamamaraan para hindi na pamarisan pa ng iba.
“A number of complaints against non-conformity, defect or condition that substantially impairs the use, value or safety of brand-new motor vehicles have not been satisfactorily or expeditiously resolved,” wika ng lady solon.
Ang mas nakakadismaya pa, ani Villar, ay ang pagkakaroon ng masalimuot na proseso para magamit ang mga takdang probisyon sa ilalim ng Philippine Lemon Law ang siya pang lalong nagbibigay ng problema sa mga motor vehicle owners.
Sa ilalim ng kasalukuyang bersyon ng nasabing batas, limitado ang saklaw ng proteksyon – para lang sa mga binebentang brand new units na may mga isyu kaugnay ng manufacturer o distributor’s standards o specifications, at yaong mga tinaguriang “beyond repair.”
Hindi na rin aniya dapat bigyan ng apat na pagkakataon ang mga manufacturers at dealers na kumpunihin ang isang brand new unit – “Kaya nga brand new ang binili para walang sakit ng ulo, tapos ang mangyayari, magpapabalik-balik ang mga kawawang Pilipino para makiusap na ayusin ang problema ng nabiling oto.”
Mungkahi ng mambabatas – isang pagkakataon lang ang dapat ibigay sa mga manufacturers at car dealers para aregluhin ang anumang diperensya ng binentang brand new unit. Dapat rin aniya tiyakin ng mga manufacturers at car dealers na may maayos na after-sales services at piyesa ang anumang sasakyan ng ibebenta sa lokal na merkado.
“The parts, components or assemblies should be made available within 10 days from the date a complaint has been made or a request for repair is requested. Failure of the car companies to provide the parts within the period would ‘entitle’ the car owner or buyer to a ‘replacement’ with a brand-new motor vehicle of comparable specifications and value, without the need to comply with the one repair attempt requirement,” hirit ni Villar.
Aniya, dapat din bigyan ng danyos na katumbas ng kada araw na hindi nagamit ng buyer ang depektibong sasakyan na nabili bilang brand new unit.
“The consumer shall be provided with either a reasonable daily transportation allowance, an amount which covers the transportation of the consumer from his or her residence to his or her regular workplace or destination and vice versa; equivalent to air-conditioned taxi fare [as evidenced by an official receipt], or in such amount to be agreed upon by the parties,” saad sa isang bahagi ng HB 10347.
Maaari rin hilingin ng consumer sa manufacturers, distributors, authorized dealers o retailers na mabigyan siya ng service vehicle hanggang sa matapos ang paggawa sa kanyang sasakyan.
“Failure of the manufacturer, distributor, authorized dealer or retailer to provide any of the above-mentioned remedies for non-usage of vehicle under repair shall make them liable for exemplary damages in the amount of P50,000 in addition to actual damages suffered by the consumer.”